Pumunta sa nilalaman

Asiago, Veneto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Asiago)
Asiago

Slege
Comune di Asiago
Tanaw sa Asiago
Tanaw sa Asiago
Watawat ng Asiago
Watawat
Eskudo de armas ng Asiago
Eskudo de armas
Lokasyon ng Asiago
Map
Asiago is located in Italy
Asiago
Asiago
Lokasyon ng Asiago sa Italya
Asiago is located in Veneto
Asiago
Asiago
Asiago (Veneto)
Mga koordinado: 45°52′N 11°31′E / 45.867°N 11.517°E / 45.867; 11.517
BansaItalya
RehiyonVeneto
LalawiganVicenza (VI)
Mga frazioneSasso
Pamahalaan
 • MayorRoberto Rigoni Stern
Lawak
 • Kabuuan162.95 km2 (62.92 milya kuwadrado)
Taas
1,001 m (3,284 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan6,441
 • Kapal40/km2 (100/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarAsiaghesi/Slegar
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
36012
Kodigo sa pagpihit0424
Santong PatronSan Mateo
Saint daySetyembre 21
WebsaytOpisyal na website

Ang Asiago (Italyano: [aˈzjaːɡo]; Venetian: Axiago, Cimbrian: Slege, Aleman: Schlägen [ˈʃlɛːɡn̩]) ay isang maliit na bayan (populasyon na humigit-kumulang 6,500) na may titulong lungsod[3] sa nakapalibot na rehiyon ng talampas (ang Altopiano di Asiago o Altopiano dei Sette Comuni, talampas ng Asiago) sa Lalawigan ng Vicenza, rehiyon ng Veneto, Hilagang-silangang Italya. Malapit ito sa hangganan sa pagitan ng mga rehiyon ng Veneto at Trentino-Alto Adigio/Südtirol sa paanan ng Alpes, humigit-kumulang equistant (60 km) mula Trento sa kanluran at Vicenza sa timog. Ang rehiyon ng Asiago ang pinagmulan ng kesong Asiago. Ang bayan ay naging lugar ng isang malaking labanan sa pagitan ng mga puwersang Austrian at Italyano sa prenteng Alpino noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ay isang pangunahing destinasyon ng ski resort, at ang lugar ng Obserbatoryong Astropisiko ng Asiago, na pinapatakbo ng Unibersidad ng Padua.

Paliparan ng Asiago

Hanggang sa kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo, marami sa mga tao ng Asiago ang nagsalita ng Cimbriano, isang diyalektong Aleman.

Ang Asiago ang lugar ng kapanganakan ng Italyanong manunulat na si Mario Rigoni Stern, at kitang-kita ang mga tampok nito sa kaniyang mga kuwento. Inilarawan din ito sa One Year on the High Plateau ni Emilio Lussu, na isang opisyal sa Brigadang Sassari, at sa kaniyang aklat ay inilalarawan ng may-akda ang kakila-kilabot at karahasan ng digmaan.[4]

Labanan sa Asiago

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Digmaang Alpino 1915–1918 Monumento sa Asiago.

Ang Labanan sa Asiago (Labanan sa Plateaux) ay isang kontra-opensiba na inilunsad ng Austria-Unggriya sa Prenteng Italyano noong Mayo 1916, noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ay isang hindi inaasahang pag-atake na naganap malapit sa Asiago (ngayon ay nasa hilagang-silangang Italya, na noon ay nasa panig ng Italya ng hangganan sa pagitan ng Kaharian ng Italya at Austria-Unggriya). Ginugunita ng Alaalang Pandigma ng Asiago ang labanang ito at ang mga sundalong nasawi noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ay isang monumento at museo na isang sikat na lugar para sa mga bisita sa lugar. [5]

Mga kinakapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Altopiano di Asiago". Asiago. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 March 2014.
  4. ↑ Paratico, Angelo (2014-06-30). "One the greatest book about WW1 - A Year on the High-Plateau". Gingko Edizioni (sa wikang Italyano). Nakuha noong 2024-12-18.
  5. ↑ "Sacrario militare di Asiago-Leiten e museo del Sacrario" (sa wikang Italyano). Itinerari della Grande Guerra. Nakuha noong 24 April 2013.
[baguhin | baguhin ang wikitext]