Automaton

Isang automaton ( /ɑːˈtɑːmətɑːn/ ; pl. automata) ay isang makinang kusang gumagana o mekanismo ng kontrol na idinisenyo upang awtomatikong sumunod sa isang pagkakasunod-sunod ng mga operasyon o tumugon sa mga paunang natukoy na tagubilin.[1] Ang ilang automaton, tulad ng mga tanyedor ng kampana sa mga mekanikal na orasan, ay idinisenyo upang magbigay ng ilusyon sa kaswal na tagamasid na ang mga ito ay gumagana sa ilalim ng kanilang sariling kapangyarihan o kagustuhan, tulad ng isang mekanikal na robot. Ang terminong ito ay matagal nang karaniwang iniuugnay sa mga awtomatikong puppet na kahawig ng mga gumagalaw na tao o hayop, na ginawa upang pahangain at/o aliwin ang mga tao.
Ang mga animatronika ay isang modernong uri ng automata na may elektroniko, na kadalasang ginagamit para sa paglalarawan ng mga karakter o nilalang sa mga pelikula at sa mga atraksiyon sa liwasang may-tema.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang automaton ay ang Latinisasyon ng Sinaunang Griyegong automaton (αὐτόματον), na nangangahulugang "pagkilos ayon sa sariling kagustuhan". Una itong ginamit ni Homer upang ilarawan ang isang awtomatikong pagbubukas ng pinto,[2] o awtomatikong paggalaw ng mga tripod na may gulong.[3] Mas madalas itong ginagamit upang ilarawan ang mga makinang gumagalaw na hindi elektroniko, lalo na iyong mga ginawa upang maging kamukha ng mga kilos ng tao o hayop, tulad ng mga jack sa mga lumang pampublikong orasan, o ang kuko at anumang iba pang animated na pigura sa isang orasang kuko.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinauna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming halimbawa ng automata sa mitolohiyang Griyego: Si Hefesto ang lumikha ng automata para sa kaniyang pagawaan;[4][5] Si Talos ay isang artipisyal na tao na gawa sa bronse; Si Haring Alsinoo ng mga Phaiakian ay gumamit ng mga asong bantay na ginto at pilak.[6][7] Ayon kay Aristoteles, gumamit si Dedalo ng asoge upang mapagalaw ang kaniyang estatwa ni Aphrodite na gawa sa kahoy.[8][9] Sa iba pang mga alamat ng Griyego, gumamit siya ng asoge upang magtalaga ng boses sa kaniyang mga gumagalaw na estatwa.
Ang mga automata sa mundong Helenistiko ay inilaan bilang mga kagamitan, laruan, panooring pangrelihiyon, o mga prototipo para sa pagpapakita ng mga pangunahing prinsipyong siyentipiko. Maraming automata na pinapagana ng tubig ang ginawa ni Tesibius, isang Griyegong imbentor at ang unang pinuno ng Dakilang Aklatan ng Alejandria; halimbawa, "gumamit siya ng tubig upang magpatunog ng sipol at gumawa ng galaw ng isang modelo ng kuwago. Siya ang nag-imbento ng unang 'cuckoo clock ' sa mundo.[a] Nagpatuloy ang tradisyong ito sa Alejandria kasama ang mga imbentor tulad ng Griyegong matematiko na si Heron ng Alejandria (minsan ay kilala bilang Heron), na ang mga sulatin tungkol sa idrawlika, numatika, at mekanika ay naglalarawan ng mga sipon, isang makinang pang-apula ng apoy, isang idrawlis, ang eolipila, at isang napoprogramang kariton.[10][11] Si Filon ng Bisansiyo ay naging tanyag dahil sa kaniyang mga imbensiyon.
Renasimyento at maagang moderno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasaksihan ng Renasimyento ang isang malaking muling pagkabuhay ng interes sa automata. Ang mga tratado ni Heron ay pinamatnugutan at isinalin sa Latin at Italyano. Ang mga idrawliko at numatikong automata, katulad ng mga inilarawan ni Heron, ay nilikha para sa mga groto sa hardin.
Si Giovanni Fontana, isang inhinyerong Paduano noong 1420, ay bumuo ng Bellicorum instrumentorum liber[b] na kinabibilangan ng isang puppet ng isang kamelyo na minamaneho ng isang nakadamit na primata na doble ang taas ng isang tao at isang automaton ni Maria Magdalena.[13] Lumikha rin siya ng mga mekanikal na demonyo at mga automata ng hayop na pinapaandar ng kohete.[14][15]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Definition of AUTOMATON". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2024-01-04. Nakuha noong 2024-01-25.
- ↑ Homer, Iliad, 5.749
- ↑ Homer, Iliad, 18.376
- ↑ Him she found sweating with toil as he moved to and fro about his bellows in eager haste; for he was fashioning tripods, twenty in all, to stand around the wall of his well-builded hall, and golden wheels had he set beneath the base of each that of themselves they might enter the gathering of the gods at his wish and again return to his house, a wonder to behold. Homer, Iliad 18.371 – 376 Naka-arkibo 2023-01-08 sa Wayback Machine.
- ↑ he ... went forth halting; but there moved swiftly to support their lord handmaidens wrought of gold in the semblance of living maids. In them is understanding in their hearts, and in them speech and strength, and they know cunning handiwork by gift of the immortal gods. These busily moved to support their lord ... Homer, Iliad 18.417 – 421 Naka-arkibo 2023-01-08 sa Wayback Machine.
- ↑ The automatones of Greek Mythology online Naka-arkibo 2013-11-06 sa Wayback Machine. at the Theoi Project.
- ↑ Hyginus. Astronomica 2.1
- ↑ Aristotle (1907). "Chapter 3". De Anima. Cambridge University Press.
- ↑ "A Dictionary of Greek and Roman biography and mythology, Daedalus". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-08. Nakuha noong 2022-11-08.
- ↑ Noel Sharkey (July 4, 2007), The programmable robot from Ancient Greece, bol. 2611, New Scientist
- ↑ Brett, Gerard (July 1954), "The Automata in the Byzantine "Throne of Solomon"", Speculum, bol. 29, blg. 3, pp. 477–487, doi:10.2307/2846790, ISSN 0038-7134, JSTOR 2846790.
- ↑ "Bellicorum Instrumentorum Liber | The Faith of a Heretic". www.krauselabs.net. 5 November 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Nobiyembre 2016. Nakuha noong 23 November 2016.
{{cite web}}: Check date values in:|archive-date=() - ↑ Riskin, Jessica, pat. (2007). Genesis Redux: Essays in the History and Philosophy of Artificial Life (ika-[Online-Ausg.]. (na) labas). Chicago [u.a.]: University of Chicago Press. ISBN 9780226720807.
- ↑ Grafton, Anthony (2007), "The Devil as Automaton", Genesis Redux, University of Chicago Press, pp. 46–62, doi:10.7208/chicago/9780226720838.003.0003, ISBN 978-0-226-72081-4, nakuha noong 2024-02-18
- ↑ Battisti, Eugenio; Saccaro Del Buffa Battisti, Giuseppa; Fontana, Giovanni (1984). Le macchine cifrate di Giovanni Fontana: con la riproduzione del Cod. icon. 242 della Bayerische Staatsbibliothek di Monaco di Baviera e la decrittazione di esso e del Cod. lat. nouv. acq. 635 della Bibliothèque nationale di Parigi. Milano: Arcadia Edizioni. ISBN 978-88-85684-06-5.
- ↑ This "first cuckoo clock" was further stated and described in the 2007 book The Rise and Fall of Alexandria: Birthplace of the Modern World by Justin Pollard and Howard Reid on page 132: "Soon Ctesibius's clocks were smothered in stopcocks and valves, controlling a host of devices from bells to puppets to mechanical doves that sang to mark the passing of each hour – the very first cuckoo clock!"
- ↑ Full title: Bellicorum instrumentorum liber, cum figuris et fictitys litoris conscriptus, Latin for "Illustrated and encrypted book of war instruments"[12]
<ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2