Pumunta sa nilalaman

Digmaang Taglamig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Digmaang Taglamig
Bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Petsa30 Nobyembre 1939 – 13 Marso 1940 (3 buwan, 1 linggo at 6 na araw)
Lokasyon
Silangang Pinlandya
Resulta Pagkapanalo ng mga Sobyet
Pagbabago sa
teritoryo
Pagbibigay ng mga pulo sa Golpo ng Pinlandya , Karelian Isthmus, Ladoga Karelia, Salla, and Rybachy Peninsula, at pagakila ng Hanko sa Unyong Sobyet
Mga nakipagdigma

Pinlandiya Pinlandiya

  • Dayuhang Boluntaryo

Unyong Sobyet Unyong Sobyetiko

Mga kumander at pinuno
Lakas
300,000–340,000 kawal[F 1]
32 na tanke[F 2]
114 sasakyang panghimpapawid[F 3]
425,000–760,000 kawal[F 4]
2,514–6,541 na tanke[F 5]
3,880 na sasakyang panghimpapawid[10]
Mga nasawi at pinsala
25,904 patay o nawawala[11]
43,557 sugatan[12]
800–1,100 nabilanggo[13]
20–30 na tanke
62 na sasakyang panghimpapawid[kailangan ng sanggunian]
1 armadong tagasira ng yelo ang nasira
Ladoga Destakamentong Pandagat ng Pinlandes binigay sa Unyong Sobyet
70,000 kabuuang nasawi
126,875–167,976 patay o nawawala[14][15][16][17]
188,671–207,538 sugatan o nagkasakit[14][15] (ikasama ang mahigit 61,506 na may sakit o nagyelo[18])
5,572 nabilanggo[19]
1,200–3,543 na tanke[20][21][22]
261–515 na sasakyang panghimpapawid[22][23]

321,000–381,000 kabuuang nasawi

Ang Digmaang Taglamig ay isang hidwaang militar sa pagitan ng Unyong Sobyetiko at Pinlandiya. Nagsimula ito sa paglusob Unyong Sobyet ang Pinlandya noong 30 Nobyembre 1939 (tatlong buwan pagkatapos ng simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig), at natapos sa Kasunduan ng Kapayapaan sa Moscow noong 13 Marso 1940. Dineklara ng Liga ng mga Bansa ang paglusob na ilegal at pinalayas ang Unyong Sobyet mula sa Liga noong 14 Disyembre 1939.[24]

Dahil sa mga alalahaning panseguridad sa Leningrado na matatagpuan kalapit sa hangganan ng Pinlandiya, naghain ang pamunuang Sobyetiko ng ilang panukala noong 1938 at 1939 upang ipaubaya ang mga teritoryo ng Istmong Karelyano, mga pulo sa Golpo ng Pinlandiya, at rehiyon ng Petsamo kapalit ng lupain sa Karelia; bagama't doble sa laki ng hinihinging teritoryo ay hindi maunlad at karamiha'y latian. Tinanggihan ito ng Pinlandiya, at noong 26 Nobyembre 1939 ay nagpadala ang pamahalaang Sobyetiko ng liham ng pagtutol sa pamahalaang Pinlandes hinggil sa pagpapaulan ng mga bala ng artilerya na ani raw gawa ng kanilang kaaway.

Inaangkin noon ng Unyong Sobyet ang mga teritoryo ng Pinlandya, kasama rito ang pag-urong ng hangganan ng Pinlandya palayo, pangunahin na para protektahan ang Leningrad, na 32 kilometro lamang ang layo mula sa hangganan ng Pinalndya.[25][26][27] Tumanggi ang Pinlandya kaya lumusob ang USSR. Maraming akda ang nagsasabi na nilayon ng Unyong Sobyet na sakupin ang buong Finland,[28][29][30][31][32][33] ngunit may mga akda rin na nagsasabi ng kabaligtaran.[34][35][36]

Mas maraming sundalo (tatlong beses), eroplano (tatlumpung beses), at tanke (isangdaan beses) ang mga Sobyet kaysa sa mga Pinlandes, ngunit ang hukbo ng Unyong Sobyet ay lubhang humina dahil sa Great Purge ni Joseph Stalin noong 1937.[37] Umabot sa mahigit tatlumpung libong mga opisyal ng hukbo ang naalis sa pwesto nila, binitay man o ipinakulong, kaya karamihan sa mga opisyal ng Hukbong Pula ay kulang sa kasanayan.[38][39] Dagdag rito ang mataas na morale at magandang liderato ng hukbo ng Pinlandya, kaya nagawa nilang mapigilan ang mga paglusob ng Unyong Sobyet sa loob ng maraming buwan.[40]

Ngunit dahil sa inayos muli ang organisasyon ng Hukbong Pula, nagawang makalampas sa mga hangganan ang mga puwersa ng Unyong Sobyet. Dahil dito, pumayag ang Finland na magsuko pa ng higit na lupain kaysa sa hinihingi ng Unyong Sobyet noong 1939. Tinanggap ito ng mga Sobyet dahil sa dami ng mga nasawi sa kanilang panig.

Tumigil ang labanan noong Marso 1940 nang malagdaan ang Kasunduan ng Kapayapaan sa Mosku. Sinuko ng Pinlandya ang aabot sa 11% ng lupain nito at 30% ng ekonomiya nito sa Unyong Sobyet.[41] Napakalaki ng nawala ng Unyong Sobyet, kaya humina ang reputasyon nito sa ibang bansa.[42] Nakakuha sila ng malaking teritoryo sa lugar ng Lawa ng Ladoga at lupain sa Hilagang Finland, anupat nagbigay ng hight na lupain sa paligid ng lungsod ng Leningrad.[43] Napanatili ng Pinlandya ang kalayaan nito at napaganda pa ang reputasyon nito.

  1. ↑ At the beginning of the war, the Finns had 300,000 soldiers. The Finnish Army had only 250,028 rifles (total 281,594 firearms), but White Guards brought their own rifles (over 114,000 rifles, total 116,800 firearms) to the war. The Finnish Army reached its maximum strength at the beginning of March 1940 with 346,000 soldiers in uniform.[1][2]
  2. ↑ From 1919 onwards, the Finns possessed 32 French Renault FT tanks and few lighter tanks. These were unsuitable for the war and they were subsequently used as fixed pillboxes. The Finns bought 32 British Vickers 6-Ton tanks during 1936–39, but without weapons. Weapons were intended to be manufactured and installed in Finland. Only 10 tanks were fit for combat at the beginning of the conflict.[3]
  3. ↑ On 1 December 1939 the Finns had 114 combat aeroplanes fit for duty and seven aeroplanes for communication and observation purposes. Almost 100 aeroplanes were used for flight training purposes, not suitable for combat, or under repair. In total, the Finns had 173 aircraft and 43 reserve aircraft.[4]
  4. ↑ [5] 550,757 soldiers on 1 January 1940 and 760,578 soldiers by the beginning of March.[6] In the Leningrad Military District, 1,000,000 soldiers[7] and 20 divisions one month before the war and 58 divisions two weeks before its end.[8]
  5. ↑ At the beginning of the war the Soviets had 2,514 tanks and 718 armoured cars. The main battlefield was the Karelian Isthmus where the Soviets deployed 1,450 tanks. At the end of the war the Soviets had 6,541 tanks and 1,691 armoured cars. The most common tank type was T-26, but also BT type was very common.[9]
  1. ↑ Palokangas (1999), pp. 299–300
  2. ↑ Juutilainen & Koskimaa (2005), p. 83
  3. ↑ Palokangas (1999), p. 318
  4. ↑ Peltonen (1999)
  5. ↑ Meltiukhov (2000): ch. 4, Table 10
  6. ↑ Krivosheyev (1997), p. 63
  7. ↑ Kilin (1999), p. 383
  8. ↑ Manninen (1994), p. 43
  9. ↑ Kantakoski (1998), p. 260
  10. ↑ Trotter (2002), p. 187
  11. ↑ Kurenmaa and Lentilä (2005), p. 1152
  12. ↑ Lentilä and Juutilainen (1999), p. 821
  13. ↑ Malmi (1999), p. 792
  14. 1 2 Krivosheyev (1997), pp. 77–78
  15. 1 2 Kilin (2007b), p. 91
  16. ↑ Petrov (2013)
  17. ↑ Sokolov (2000), p. 340
  18. ↑ "Krivosheyev, Table 100". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-12. Nakuha noong 2020-12-18.
  19. ↑ Manninen (1999b), p. 815
  20. ↑ Kilin (1999) p. 381
  21. ↑ Kantakoski (1998), p. 286
  22. 1 2 Manninen (1999b), pp. 810–811
  23. ↑ Kilin (1999), p. 381
  24. ↑ "League of Nations' Expulsion of the U.S.S.R." League of Nations. 14 December 1939. Nakuha noong 24 July 2009.
  25. ↑ Trotter (2002), p. 15
  26. ↑ Edwards (2006), pp. 28–29
  27. ↑ Lightbody (2004), p. 52
  28. ↑ Manninen (2008), pp. 37, 42, 43, 46, 49
  29. ↑ Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 1702: attempt to index field '?' (a nil value).
  30. ↑ Ravasz, István (2003). "Finnország függetlenségi harca 1917–1945, Magyar önkéntesek Finnországban (Finland's struggle for independence from 1917 to 1945, Hungarian volunteers in Finland)" (PDF) (sa wikang Unggaro). Wysocki Légió Hagyományőrző Egyesületnek. p. 3. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-10-20. Nakuha noong 2015-01-30.
  31. ↑ Clemmesen, Michael H.; Faulkner, Marcus, mga pat. (2013). Northern European Overture to War, 1939–1941: From Memel to Barbarossa. Brill. p. 76. ISBN 978-90-04-24908-0.
  32. ↑ Zeiler, Thomas W.; DuBois, Daniel M., mga pat. (2012). A Companion to World War II. Wiley Blackwell Companions to World History. Bol. 11. Wiley-Blackwell. p. 210. ISBN 978-1-4051-9681-9.
  33. ↑ Reiter (2009), p. 124
  34. ↑ Chubaryan (2000), p. xvi
  35. ↑ Trotter (2002), p. 17
  36. ↑ Lightbody (2004), p. 55
  37. ↑ Bullock (1993), p. 489
  38. ↑ Glanz (1998), p. 58
  39. ↑ Ries (1988), p. 56
  40. ↑ Ries (1988), pp. 79–80
  41. ↑ Edwards (2006), p. 18
  42. ↑ Edwards (2006), pp. 272–273
  43. ↑ VanDyke (1997), pp. 189-190

Mga Pinagkunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]