Guardialfiera
Guardialfiera | |
|---|---|
| Comune di Guardialfiera | |
Tanawin ng Guardialfiera | |
| Mga koordinado: 41°48′N 14°48′E / 41.800°N 14.800°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Molise |
| Lalawigan | Campobasso (CB) |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Vincenzo Tozzi |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 43.53 km2 (16.81 milya kuwadrado) |
| Taas | 274 m (899 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 1,045 |
| • Kapal | 24/km2 (62/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Guardiesi o Guardioli |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 86030 |
| Kodigo sa pagpihit | 0874 |
| Santong Patron | San Gaudencio |
| Saint day | Hunyo 1 at 2 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Guardialfiera ay isang komuna (munisipalidad) sa lalawigan ng Campobasso, sa Italyanong rehiyon ng Molise, matatagpuan mga 30 kilometro (19 mi) hilagang-silangan ng Campobasso. Matatagpuan ito sa tuktok ng burol kung saan matatanaw ang Lawa Guardialfiera, na nilikha bilang resulta ng pagprinsa sa Ilog Biferno.
Ang Guardialfiera ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Acquaviva Collecroce, Casacalenda, Castelmauro, Civitacampomarano, Larino, Lupara, at Palata.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bayan ng Guardialfiera ay tinitirhan na simula pa noong ika-11 siglo. Inilalarawan ng ilang dokumento ang isang toreng Romano na nakikita sa kanlurang gilid ng bayan hanggang ika-10 siglo.
Hindi tiyak ang pinagmulan ng pangalan, bagaman malamang na nagmula ito sa "Guardie di Alfiero" o "Guardie di Adalferio," hango sa pinunong Lombardo ng Larino na sumakop sa bayan noong 1049. Noong 1053, malamang na ginamit ni Papa Leo IX ang Guardialfiera bilang base upang maglunsad ng pag-atake laban sa mga Normando na sumakop sa kalapit na bayan ng Larino noong 1050.
Ang obispado ng Guardialfiera ay itinatag noong 1061 ni Papa Alejandro II, marahil bilang pagkilala sa papel ng lungsod sa mga pangyayari noong 1053.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
