Spadafora
Spadafora | ||
|---|---|---|
| Comune di Spadafora | ||
Simbahan ng San José | ||
| ||
| Mga koordinado: 38°13′25″N 15°22′44″E / 38.22361°N 15.37889°E | ||
| Bansa | Italya | |
| Rehiyon | Sicilia | |
| Kalakhang lungsod | Mesina (ME) | |
| Mga frazione | Grangiara, San Martino, Arcipretato, Verdesca | |
| Pamahalaan | ||
| • Mayor | Giuseppe Pappalardo | |
| Lawak | ||
| • Kabuuan | 10.52 km2 (4.06 milya kuwadrado) | |
| Taas | 6 m (20 tal) | |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
| • Kabuuan | 4,983 | |
| • Kapal | 470/km2 (1,200/milya kuwadrado) | |
| Tawag sa tagalugar | Spadaforesi | |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
| Kodigong Postal | 98048 | |
| Kodigo sa pagpihit | 090 | |
| Santong Patron | San Jose | |
| Saint day | Marso 19 | |
| Websayt | Opisyal na website | |

Ang Spadafora (Siciliano: Spatafora) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Mesina, rehiyong awtonomo ng Sicilia, Katimugang Italya, na matatagpuan mga 180 km (110 mi) silangan ng Palermo at mga 15 km (9 mi) hilagang-kanluran ng Mesina.
May hangganan ang Spadafora sa mga sumusunod na munisipalidad: Roccavaldina, Rometta, at Venetico.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pangalan ng bayan ay hango sa isang maharlikang pamilya na sumakop sa teritoryo noong 1459, ngunit ang pinagmulan nito bilang isang sentro ng tirahan at isang sentro ng masiglang agrikultura, komersiyo, at maritima ay nagsimula pa noong mga sinaunang pamayanan kasabay ng pagsilang ng agrikultura.
Ang pangunahing bokasyon ng Spadafora ay naging maritima. Ang dalampasigan nito ay tila madalas puntahan ng mga Fenicio, dahil sa estratehikong lokasyon nito sa pagitan ng Cabo Milazzo at baybayin ng Calabria.
Sa panahon ng mga pamayanang Griyego, ang mga katutubong populasyon ay sinamahan ng mga Griyego, na lumikha ng isang malaking pamayanang Siciliano na hindi kalayuan sa Himera, isang mahalagang sentro ng kultura at komersiyo na itinatag ng mga Griyego.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
