Venzone
Venzone | |
|---|---|
| Comune di Venzone | |
Pader ng bayan | |
| Mga koordinado: 46°20′N 13°8′E / 46.333°N 13.133°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Friul-Venecia Julia |
| Lalawigan | Udine (UD) |
| Mga frazione | Pioverno, Portis, Carnia |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Mauro Valent |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 54.55 km2 (21.06 milya kuwadrado) |
| Taas | 230 m (750 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 2,011 |
| • Kapal | 37/km2 (95/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Venzonesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 33010 |
| Kodigo sa pagpihit | 0432 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Venzone (Italyano: [venˈtsoːne] Friulian: Vençon; Sloben: Pušja vas; Aleman: Peuscheldorf) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Rehiyonal na Entidad Pangdesentralisasyon ng Udine, awtonomong rehiyon ng Friul-Venecia Julia, hilagang-silangang Italya. Isa ito sa mga I Borghi più belli d'Italia ("Ang pinakamagandang mga nayon ng Italya").[3]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay matatagpuan sa makasaysayang rehiyon ng Friul, mga 90 km (56 milya) hilagang-kanluran ng Trieste at humigit-kumulang 30 km (19 milya) hilaga ng Udine. Ang munisipalidad ay matatagpuan sa lambak ng Ilog Tagliamento, na naghihiwalay sa Julian Alps sa silangan mula sa Prealpes Carnicos sa kanluran. Sa hilagang-kanluran, ang ilog ay patungo sa rehiyon ng Carnia.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang hintuan sa sinaunang ruta ng kalakalan na nagmumula sa baybaying Adriatico patungo sa Silangang Alpes ang umiral na noong panahon ng mga Selta noong mga 500 BK. Noong panahong Romano, isang kalsada (Via Iulia Augusta) ang patungo mula sa lungsod ng Aquilea patungong Zuglio at pataas sa Pasong Plöcken. Matapos masakop ni Carlomagno ang Kaharian ng mga Lombardo noong 774, isang unang pinatibay na pamayanan ang itinatag sa ilalim ng pamamahalang Carolingia.

Ang Venzone mismo ay unang nabanggit sa isang kasulatan noong 923 bilang Clausas de Albiciones, na kalaunan ay bilang Avenzone, at tinawag na Venzone sa isang dokumento noong 1001 na inilabas ni Emperador Oton III. Noong 1077, ito ay naging bahagi ng bagong tatag na Patria del Friuli at ang mga namumunong Patriyarka ng Aquilea ang nagkontrol sa mahalagang ruta ng kalakalan patungo sa Alpes.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang patsada ng katedral
- Ang loob ng katedral
- Ang tore ng kampanaryo
- Ang Baptisteryo (dating Kapilya ni San Miguel) kasama ang silid-libingan ng mga momiya
- Bulwagan ng Lungsod
- Isang sulyap sa makasaysayang distrito
- Liwasan ng Muinisipyo
- Katedral at mga medyebal na pader
- Ang loob ng katedral
- Ang mga Momya ng Venzone
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Venzone". borghipiubelliditalia.it (sa wikang Italyano). Nakuha noong 2026-05-04.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Venzone tourism
- Venzone Venzone history
- Page with medieval art in Venzone (sa Italyano)
Geographic data related to Venzone at OpenStreetMap
