Pumunta sa nilalaman

Wikang Latin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Latin
lingua Latina, Latinum
Sulat Latin na nakaukit sa isang bato para sa Romanong konsul noong ikalimang siglo na si Decius Marius Venantius Basilius sa loob ng Koliseo sa Roma
Bigkas[ɫa⁠ˈtiːnũː]
Katutubo sa
Etnisidad
PanahonBilang katutubong wika, c. ikapitong siglo BKP  – c. ikawalong siglo KP
Pamilya
Ninuno
PagsulatLatin (Alpabetong Latin)
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika
 Vatican City
PamamahalaPontipikong Akademya sa Latin
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1la
ISO 639-2lat
ISO 639-3lat
Glottologimpe1234
lati1261
Linguasphere-ab, -ac 51-AAB-aa, -ab, -ac
Pinakamalawak na sakop ng Imperyong Romano sa ilalim ng pamumuno ni Trajano (c. 117 KP) at ang lugar na pinamamahalaan ng mga mananalita ng Latin. Maraming wika bukod sa Latin ang sinasalita sa loob ng imperyo.
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko mula sa IPA. Maaari po kayong makakita ng tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode kung hindi suportado ang pagpapakita sa mga ito sa kasalukuyan niyong font. Para sa panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang Help:IPA sa Wikipediang Ingles.

Latín[a] ang klasikong wikang Indo-Europeo na kabilang sa sangay ng mga wikang Italiko. Orihinal itong sinalita ng mga Latin sa rehiyon ng Latium (ngayo'y Lacio sa modernong Italya), ang lugar sa ibaba ng Ilog Tiber sa paligid ng Roma. Dahil sa paglawak ng Republikang Romano, naging isa itong pangunahing wika sa tangway ng Italya at kalaunan, sa buong Imperyong Romano. Napakalaki ng impluwensiya nito sa maraming wika gaya ng sa Ingles at Espanyol. Nananatili pa rin magpahanggang ngayon ang paggamit nito sa teknikal na bokubularyong pang-agham, gayundin sa teolohiya lalo ng sa Simbahang Katolika, medisina, at batas.

Pagsapit ng huling bahagi ng Republikang Romano, umunlad ang Lumang Latin upang magkaroon ito ng pamantayan na kilala na ngayon bilang Klasikong Latin. Samantala, tinatawag naman na Balbal na Latin ang samu't saring rehistro na karaniwang ginagamit ng mga mabababang uri sa lipunang Romano. Bagamat kadalasang itinuturing ang Latin bilang patay na wika, hindi ito kinikilala bilang patay na ayon sa pormal na pagpapakahulugan ng mga iskolar. Pagsapit ng ikaanim hanggang ikasiyam na siglo, nagsilitawan ang mga pinakaunang ninunong wika ng mga wikang Romanse mula sa mga bernakular na Latin na sinasalita sa iba't ibang rehiyon na nasakop ng mga Romano. Pagkatapos ng pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano, nanatili ang Latin bilang ang karaniwang wika ng pandaigdigang komunikasyon, agham, pag-aaral, at akademya ng Europa hanggang sa unang bahagi ng ika-19 na siglo, kung saan pinalitan ito ng mga modernong wika gaya ng wikang Pranses at kalaunan, Ingles.

Tinatawag na Huling Latin ang anyong pampanitikan ng wika mula noong ikatlong siglo KP. Pagsapit ng Gitnang Kapanahunan, hindi na sinasalita ang Latin bilang katutubong wika, bagamat malawakan pa ring ginagamit ito sa Kanlurang Europa lalo na sa mga Katolikong rehiyon bilang wika ng trabaho at panitikan. Nagkaroon ito ng anyong klasiko noong Renasimiyento, na tinatawag namang Renasimiyentong Latin. Ang partikular na anyong ito ang naging basehan ng Bagong Latin, na umusbong noong Maagang Modernong Panahon. Tinuturo at sinasalita sa mga paaralan at pamantasan ang Latin bilang bahagi ng pag-aaral sa Bibliya hanggang noong huling bahagi ng ika-17 siglo, kung saan nagsimulang kumonti ang bilang ng mga mananalita nito. Karaniwang pinag-aaralan na ngayon ang Kontemporaryong Latin upang basahin at hindi upang salitain. Samantala, ginagamit naman ang Pangsimbahang Latin bilang ang opisyal na wika ng Banal na Luklukan at ang Ritong Romano ng Simbahang Katolika.

Inuuri ang balarilang Latin bilang isang wikang may matinding pagbabanghay (pusyonal) dahil sa pagbabanghay nito para sa kaukulan, dami, panauhan, kasarian, panahon, panagano, tinig, at aspekto. Nagmula naman ang alpabetong Latin mula sa pagsasama ng mga alpabetong Etrusko at Griyego.

Mga titik at tinig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang teenager/adult na lalaki na nagsasalita ng Latin

Narito ang isang talaan ng mga titik at tinig o fonema sa wikang Latin. Upang makatiyak, ginagamit na gabay sa pagbaybay ng bigkas ang IPA.

A (maikli)[ʌ](tulad ng ‘talim’)
A (mahaba)[aː](tulad ng ‘akin’)
AE[aj](tulad ng ‘bigay’)
B[b](tulad ng ‘alab’)
C[k](tulad ng ‘anak’)
CH[kʰ](tulad ng katutubong bigkas ng Inggles na ‘cake’; bahagyang katulad ng sa ‘likha’)
D[d](tulad ng ‘dalisay’)
E (maikli)[ɛ](tulad ng ‘pera’)
E (mahaba)[eː](tulad ng karaniwang bigkas sa salitang Tagalog na ‘pare’, sa Frances na ‘été’, o sa Aleman na ‘Leben’)
EI[ej](tulad ng ‘Kankanaey’)
EU[ew](tulad ng ‘Europa’; malapit sa ‘ewan’)
F[f](tulad ng ‘Filipino’)
G[g](tulad ng ‘gawa’)
GN[ŋn](tulad ng ‘pangnakaraan’)
H[h](tulad ng ‘hawak’)
I (maikli)[ɪ](tulad ng ‘hapit’)
I (mahaba)[iː](tulad ng ‘kilos’)
J[j](tulad ng ‘yugto’)1
K[k](tulad ng C; madalang gamitin sa Latin)
L[l](tulad ng ‘laro’)
M[m](tulad ng ‘madla’)
N[n](tulad ng ‘niyog’; bago ng C, G, o Q, bilang /ŋ/ ng ‘tangkay’)
O (maikli)[ɔ](tulad ng ‘Ano?’)
O (mahaba)[oː](tulad ng sa salitang Tagalog na ‘alimuom’, sa Frances na ‘eau’, o sa Aleman na ‘wo’)
OE[oj](tulad ng ‘Oy!’)
P[p](tulad ng ‘payak’)
PH[pʰ](tulad ng Inggles na ‘pit’)
QU[kʷ](medyo kasintulad ng ‘pakwan’)
R[ɾ](tulad ng ‘marami’)
S[s](tulad ng ‘sarap’)
T[t](tulad ng ‘talampas’)
TH[tʰ](tulad ng Inggles na ‘tin’; malapit sa “bathala’)
U (maikli)[ʊ](tulad ng ‘balut’)
U (mahaba)[uː](tulad ng ‘pusa’)
V[w](tulad ng ‘wari’)
X[ks](tulad ng ‘paksa’)
Y (maikli)[ʏ](tulad ng Frances na ‘tu’)
Y (mahaba)[yː](tulad ng Aleman na ‘übermensch’)
Z[z](tulad ng Inggles na ‘zoo’)

Hindi ipinapakita sa pagbaybay ng Latin ang pagkakaiba ng maiikli at mahahabang patinig, ngunit sa makabagong baybay, maaaring lagyan ng makron (ā, ē, ī, ō, ū, ȳ) ang mahahabang patinig.

Para sa baybay ng Simbahang Katoliko ng Latin, tingnan ang Latin Eclesiastico.

1 Sa gitna ng dalawang patinig, dalawa ang bilang na ginagampanan ng titik J: isang katinig at isa ring bumubuo ng diptonggo kasama ng naunang patinig. Halimbawa (gamit ang baybay pambigkas sa Tagalog), major (/máy·yor/), cujus (/kwí·yus/), rejectus (/rey·yék·tus/).

Ilang halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • tatay : pater
  • nanay : mater
  • ako : ego
  • ikaw : tu
  • parusa : multa
  • diwata : nympha, diva
  • bula : bulla
  • kapit : aprehendere; capere
  • sabon : sapo
  • diyos : deus
  • balat : cutis
  • grabe : gravis
  • sana : utinam
  • isa : uno
  • ito : iste
  • tinapay : pan
  • dalawa : duo
  • tatlo : tri
  • lima : quinque
  • walo : octo
  • pera : pecunia
  • paa : pes
  • pakiusap : si vobis; tibi placeat...
  • mata : oculus
  • tenga : auris
  • ilong : nasus
  • kamay : manus
  • at : ac; et
  • ngunit : at; sed
  • kasi/dahil : quoniam; quod
  • oo : ita
  • o  : aut
  • hindi : non
  • apoy : ignus
  • tubig : aqua
  • lupa : terra
  • hangin : ventum
  • salaysay/kasaysayan : historia
  • usapan : recensere
  • paanyaya : invitatio
  • abuloy : donatio
  • halamanan : hortum
  • salamat : gratias
Wikipedia
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Latin
  1. ↑ Latin: lingua Latina [ˈlɪŋɡʷa ɫaˈtiːna] o Latinum [ɫaˈtiːnũː]
  • Allen, William Sidney (1978) [1965]. Vox Latina – a Guide to the Pronunciation of Classical Latin [Vox Latina - Gabay sa Pagbigkas sa Klasikong Latin] (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) labas). Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-22049-1. OL 4483781M.
  • Bergin, Thomas G.; Law, Jonathan; Speake, Jennifer, mga pat. (2004). Encyclopedia of the Renaissance and Reformation [Ensiklopedya ng Renasimiyento at Repormasyon] (sa wikang Ingles). Facts On File. ISBN 0-8160-5451-7. OL 3681138M.
  • Clark, Victor Selden (1900). Studies in the Latin of the Middle Ages and the Renaissance [Mga Pag-aaral sa Latin noong Gitnang Kapanahunan at Renasimiyento] (sa wikang Ingles). Lancaster: New Era.
  • Demo, Šime (2022). "A paradox of the linguistic research of Neo–Latin" [Kabalintunaan sa lingguwistikong pananaliksik sa Bagong Latin]. Suvremena Lingvistika (sa wikang Ingles). 48 (93). doi:10.22210/suvlin.2022.093.01. S2CID 251119298.
  • Deneire, Thomas, pat. (2014). Dynamics of Neo-Latin and the Vernacular: Language and Poetics, Translation and Transfer [Dinamika ng Bagong Latin at ang Bernakular: Wika at Poetika, Salin at Paglipat] (sa wikang Ingles). Leiden: Koninklijke Brill. ISBN 9789004269071.
  • Diringer, David (1996) [1947]. The Alphabet – A Key to the History of Mankind [Alpabeto - Susi sa Kasaysayan ng Sangkatauhan] (sa wikang Ingles). New Delhi: Munshiram Manoharlal. ISBN 978-81-215-0748-6.
  • Herman, József (2000). Vulgar Latin [Balbal na Latin] (sa wikang Ingles). Sinalin ni Wright, Roger. Pennsylvania State University Press. ISBN 978-0-271-02000-6.
  • Holmes, Urban Tigner; Schultz, Alexander Herman (15 Setyembre 2012) [1938]. A History of the French Language [Kasaysayan ng Wikang Pranses] (sa wikang Ingles). New York: Biblo-Moser. ISBN 978-0-8196-0191-9.
  • Knight, Sarah; Tilg, Stefan, mga pat. (2015). The Oxford Handbook of Neo-Latin [Handbook ng Oxford sa Bagong Latin] (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-088699-8. OL 28648475M.
  • Levy, Harry Louis (1973). A Latin reader for colleges [Mambabasa ng Latin para sa mga pamantasan] (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. ISBN 0-226-47602-2.
  • Jenks, Paul Rockwell (1911). A Manual of Latin Word Formation for Secondary Schools [Manwal ng Paggawa ng mga Salitang Latin para sa mga Sekundaryong Paaralan] (sa wikang Ingles). New York: D. C. Heath.
  • Scase, Wendy (2022). Visible English: Graphic Culture, Scribal Practice, and Identity, c. 700-c. 1550 [Makikitang Ingles: Grapikong Kultura, Gawaing Eskriba, at Pagkakakilanlan, c. 700 - c. 1550] (sa wikang Ingles). Brepols. ISBN 978-2-503-59843-7.
  • Sihler, Andrew L. (2008). New comparative grammar of Greek and Latin [Bagong kumparatibong balarila ng Griyego at Latin] (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press.